Wednesday, December 30, 2009

Best Christmas Ever!

In our family, we don't usually celebrate Christmas Naghahanda rin ng konting salu-salo pero hindi kasing bongga kapag New Year's Eve. Kadalasan bumibili lang si Mama ng ham or roasted chicken at iyon na, okay na ang Noche Buena. Hindi rin kami nag-oopen ng gifts kapag Christmas. New Year's Eve namin ito ginagawa. Sa mismong araw ng Pasko, December 25, minsan lumalabas kami, pumupunta ng mall at kumakain sa labas. Para sa ibang bata katulad ko noon, ang lungkot ng Pasko lalo na kapag wala ang Papa ko...


Hanggang sa dumating ang isang araw na hindi ko inaasahan, hindi ko inaasahan na magkakaroon ako ng tinatawag na "Best Christmas".


Pagkatapos ng dalawang taon, hindi ko inaasahan na matutupad and wish ko... and wish ko sana bumalik na si Papa mula sa kanyang "pangingibang bahay." Take note, "pangingibang bahay."


Kaya ang Paskong 1999 ang the best Christmas para sa akin kasi buo na ulit ang family namin. Iyon din ang first time na nagcelebrate kami ng bonggang bonngang Christmas. Maraming food, gifts, fireworks, games at mga kamag-anak na sabay sabay sumalubong kay Bro at sa pagbabalik at pagtanngap ulit kay Papa.



This is my entry to the What’s your Christmas Story Contest by Enchanted Kingdom

1 comments:

Maver said...

why not make it the best new year too? am giving away another starbucks planner in case you're interested :D

Post a Comment